DOST, iminungkahi ang paggamit ng ‘Sagip-Nutri Flour’ bilang aleternatibo sa gitna ng price hike sa harina

Hinimok ng Department of Science and Technology (DOST) ang publiko na gamitin ang “Sagip-Nutri Flour” bilang alternatibo sa wheat flour sa gitna ng pagtaas ng presyo nito dahil sa epekto ng kaguluhan sa Ukraine.

Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na dahil hindi akma ang klima ng bansa para magpatubo ng trigo, ay kailangan nito mag-angkat mula sa ibang bansa.

Read More:  Luistro says VP Sara camp may struggle in Senate impeachment trial

Sa buong mundo ay parehong nagsisilbi ang Ukraine at Russia bilang top producers ng trigo, na ginagamit sa mga pagkain tulad ng tinapay, noodles, crackers, at cake.

Ipinunto rin ni Guevara na maaring tumaas ang presyo ng mga nabanggit na pagkain dahil sa pagtaas ng presyo ng trigo sa buong mundo.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Ipinaliwanag naman ni Guevara na nagpo-produce ang bansa ng local flour na ang tawag ay “Sagip-Nutri Flour” na gawa sa masustansya at indigenous crops.

Iginiit niya na pwede itong pamalit sa paggawa ng cookies, power bards, polvoron, noodles, cake, at iba pa.