Hinarang at hindi payagan ng kapulisan na magmartsa patungong Mendiola dahil sa kawalan ng permit.
Patuloy na ipinapanawagan ng grupo ang pagbasura sa jeepney phaseout at pagbalik ang kanilang limang taong prangkisa.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, hiling nila sa Pangulo na pakinggan ang minorya at basahin ang nilalaman ng senate resolution.
Sinabi naman ni Ka-Mody Floranda, ang National President ng PISTON, na hindi raw dapat palampasin ang mga palusot ng administrasyon sa pagpapatuloy ng negosyo at makadayuhang modernisasyon para lalong linlangin, takutin, at hatiin ang kanilang hanay at ilihis ang atensyon ng publiko mula sa malinaw na kapalpakan ng programang ito.
Sa ngayon ay hindi na madaanan ang westbound lane ng Espanya dahil sinakop na ito ng mga nagkikilos-protesta.
#