Mayroon nang pansamantalang alkalde ang Bamban Tarlac.
Ito’y sa katauhan ni Municipal Councilor Erano Timbang na nanumpa ngayong hapon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr.
Siya ang papalit pansamantala sa sinibak na Mayor na si Alice Guo.
Tatayong Acting Mayor si Erano sa loob ng 3 buwan.
Paliwanag ni Sec. Abalos, si Erano ay abswelto sa desisyon ng Ombudsman dahil sa lack of merit sa koneksyon sa POGO.
Tumutol kasi si Erano sa paglalabas ng permit sa POGO sa Bamban.
Maaalalamg nakakitaan ng Ombudsman ng sapat na ebidensya si Guo para hatulang guilty sa kasong grave misconduct.
May kaugnayan ito sa inihaing reklamo ng DILG laban sa akalde dahil sa ‘di umano’y koneksyon niya sa iligal na POGO sa kaniyang munisipalidad.
Ibig-sabihin, habambuhay na siyang madi-disqualify sa ano mang public office; at ifo-forfeit na rin ang kaniyang mga retirement benefits.
Maliban kay Guo – guilty rin sa kaso sina Municipal Business Permits and Licensing Office officer Edwin Ocampo; municipal legal officer Adenn Sigua; at ilang mga miyembro ng sanggunian.
Sinuspinde naman sila ng hanggang sa tatlong buwan.
#