Pio Duran west central school, nagbahagi ng kanilang hakbang tungo sa pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral sa panahon ng pandemya

Legazpi City– Ibinahagi ng Pio Duran West Central School ang kanilang mga ginawang hakbang sa pagpapabuti ng eskwelahan at upang maisagawa ang pagtuturo sa mga mag-aaral kahit pa ngayong nasa panahon ng pandemya.

Ayon sa dating school principal ng Pio Duran West Central School na si Manuel Noleal, Jr., ilan sa kanilang mga ginawang hakbang ay ang proper planning kung saan bago isagawa ang mga aktibidad ay kinonsulta nila ang teams na gagawa ng mga programa para sa implementasyon ng proyektong Brigada Eskwela at Brigada Pagbasa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Agad din silang nakipag-coordinate sa rural health units (RHU) at sa lokal na pamahalaan patungkol sa mga gagawing health protocols.

Dagdag pa saka nilang hakbang ay ang paglilibot ng mga gurong in-charge sa nasabing proyekto kung saan sila ay pumupunta sa mga barangay hall at nagdadala ng mga snacks upang mawili ang mga bata na lumahok sa ginagawang marathon para sa nga mahihina sa pagbasa.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Naroroon din ang mga volunteer tutors at ang mga magulang ng mga bata upang tumulong at maggabay sa kanila.

Ang kanilang mga estratehiya at hakbang ay patuloy pa rin nilang ginagawa hanggang ngayon upang lalong malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral.

Sinabi rin ni Noleal na hindi dapat mahinto anf pag-aaral at pagkatuto ng mga bata kahit pa nasa pandemya kaya ang kanilang mga hakbang ay proyekto ay paraan upang lubos na makatulong para sa kanila.