Pintor, tiklo sa drug buy-bust operation sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Kulungan ang bagsak ng isang pintor matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo, Daraga Albay.

Kinilala ang suspek na si Michael Andrew Mujar Jopia, 23 anyos, residente ng Brgy. San Roque ng nasabing bayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa report, gabi nang magsagawa ng anti-ilegal drugs operation ang Daraga MPS sa lugar laban sa suspek.

Pinagbentahan nito ang nagpanggap na buyer ng pinanininiwalaang “shabu”.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Narekober din sa kanya ang ilan pang shabu, non-drug items at pera na ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.