Coast Guard Quezon, nakaalerto sa maaaring magiging epekto ng Bagyong Marce sa probinsya

Nakaalerto na ang Coast Guard Northern and Southern Quezon sa posibleng maging banta ng bagyong Marce sa lalawigan ng Quezon.

Nakahanda na ang kanilang mga kagamitan na maaaring gamitin sa oras na kinakailangan ng mga rescue sa iba’t-ibang bayan sa probinsya.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Patuloy din umano ang ginagawang patrolya ng bawat tanggapan sa mga lugar na mataas ang posibilidad ng pagbaha partikular na ang malalapit sa baybaying dagat.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Gayundin, tuloy-tuloy ang pagpapaalala ng Coast Guard Quezon sa mga byahero at mga mangingisda na magkaroon ng dobleng pag-iingat lalo na ngayong may bagyo.

Samantala, tuloy pa rin ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa Northern at Southern Quezon.