Pinsala sa agrikultura ng Bulusan volcano eruption umabot sa P1.58M – D.A

SORSOGON CITY – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa P1.58 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng nangyaring phreatic eruption sa Bulkang Bulusan.
Iniulat din ng D.A Regional Field Office 5 na 187 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Nasa 47 hektaryang agricultural areas ang nakapagtala ng production loss na walong metriko tonelada sa mga bayan ng Juban, Casiguran, at Irosin sa Sorsogon.
Siniguro ng ahensya na mahigpit pa rin silang nakikipag-ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Sorsogon at Municipal Local Government Units (MLGUs) upang mabantayan ang sitwasyon ng bulkan.
Sa ngayon, nagbigay na ng tulong ang D.A sa mga apektadong magsasaka gaya ng rice, corn at iba’t ibang vegetable seeds.
Mayroon ding mga gamot at vitamins para sa livestock and poultry Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag
Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City