Pinsala ng Bagyong Paeng sa Agrikultura sa Naga umabot na sa mahigit P4M

NAGA CITY – Umabot sa mahigit P4-M ang pinsala sa agrikultura sa Naga City ng Bagyong Paeng.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Frank Mendoza, head ng City Agriculture Office

Batay sa kanyang hawak na report, nagkakahalagang P3.7 million ang apektado sa mga palayan, sa maisan naman ay nasa P183 thousand at sa gulayan naman ay nasa P349 thousand.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Sa kanyang paliwanag, bagamat mahina lang naman ang bagyo, nagdala ito ng pagbabaha, inulan din masyado ang mgabunga lalo na sa upper barangay ng lungsod at sa iba pang lugar na may on-going projects.

Nalubog sa tubig baha ang mga taniman, kabilang na ang mga palayan, dahilan para maapektuhan ang mga palay at mga gulay.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

May mga pangunang ayuda naman ibinigay ang Department of Agriculture sa mga apektadong magsasaka tulad ng libreng mga binhi, fuel discount voucher at cash assistance, bukod pa sa pino-prosesong crop insurance ng mga ito.

Sa ngayon 60% ng mga supply ay galling sa labas ng lungsod lalong-lalo na gulay.