Bagyong Paeng walang naiwang pinsala sa national highway at mga DPWH projects sa Camarines Norte

Bagamat nag iwan ng milyon-milyong pisong pinsala sa sektor ng akrikultura at mga kabahayan ang bagyong Paeng sa lalawigan ng Camarines Norte, hindi ito nagdulot ng pinsala sa national highway at sa mga proyekto ng Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Batay ito sa calamity damage assessment report ng DPWH Camarines Norte na isinumite rin sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Nakasaad sa kanilang isang pahinang report na isinumite ni District Engineer Edwin Bermal na “ NO NOTED DAMAGE ALONG PRIMARY, SECONDARY, AND TERTIARY NATIONAL ROADS AND BRIDGES.

Kalakip ng report ang Program of Works, site location map, litrato at iba pang mga kinakailangang dokumento.

Sa panahon ng pananalasa ng bagyong Paeng ay nakaalerto ang DRRM Team ng DPWH para sa immediate response.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Nag- deploy din ang ahensiya ng maintenance crew at equipment sa iba’t- ibang lugar.

Kinaumagahan pagkatapos ng bagyo ay nagsagawa ng clearing operation ang ahensiya dahil sa mga natumbang punong kahoy at nagkalat na mga sanga sa kalsada.