Pinoy self-rated poor families umakyat sa 48% – SWS

Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang sarili na mahirap mula 43% noong Abril papuntang 48% noong Hunyo, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Ayon sa SWS, ang tinatayang bilang ng mga self-rated na mahihirap na pamilya ay 10.9 milyon noong Abril 2022 at 12.2 milyon noong Hunyo 2022.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Batay din sa syrvey na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang 29, 2022, lumalabas na 48% ng mga pamilyang Pilipino ang nagre-rate sa kanilang sarili bilang “mahirap o poor”, 31% ay nagraranggo sa kanilang sarili bilang “borderline poor”, at 21% ay naglalagay sa kanilang sarili bilang “hindi mahirap o not poor.”

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interviews sa 1,500 respondents sa buong bansa na may tig-300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao at 600 sa Balance Luzon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sinabi ng SWS na ang porsyento ng mahihirap na pamilya ay tumaas mula sa 43% habang ang mga borderline na pamilya ay bumaba mula sa 34%, at hindi ang mga mahihirap na pamilya ang bumaba mula sa 23% kumpara sa mga lumabas na datus noong Abril 2022.