Russia: US, directly involved sa Ukraine war

Tahasan nang inakusahan ng Russia ang United States, na direktang kasapi sa gulo sa Ukraine, dahil ang mga U.S. spies ay nag-aapruba at nag-uugnayan sa Ukrainian missile strikes sa Russian forces.

Kaugnay nito, sinabi ng Russia’s defense ministry, sa pangunguna ng malapit na kaalyado ni President Vladimir Putin, na inamin umano ni Vadym Skibitsky, ang Ukraine’s deputy head ng military intelligence, sa Telegraph newspaper na nakikipag-ugnayan ang Washington sa HIMARS missile strikes.

Una nang sinabi ni U.S. President Joe Biden na gusto niyang matalo ng Ukraine ang Russia.

Sa katunayan, nagsuplay ang naturang bansa ng bilyon-bilyong dolyar na armas sa Kyiv, pero hindi gusto ng mga U.S. officials ng direct confrontation sa pagitan ng U.S. at Russian soldiers.

Ayon naman sa Russia, ang Biden administration ang responsable sa missile attacks na target ang mga sibilyan sa mga lugar na kontrolado ng Russian-backed forces sa eastern Ukraine.