Pinoy seafarers – bawal sumampa sa mga Houthi-attacked ships

Ipinagbawal na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang paglayag ng mga Pinoy seafarer sa iba pang mga barko na pagma-mayari ng mga unang vessels an inatake ng Houthi.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Kinumpirma ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na ‘di na muna pahihintulutan ang pag-akyat sa mga barko, kabilang na ang MV Galaxy, MV Tutor, at MV Transworld Navigator sa Red Sea at Gulf of Aden.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Aniya, ito umano ay para matiyak ang proteksyon sa ating mga kababayang seaferer.

Sa ngayon, ligtas na ang 27 tripulanteng Pilipino na sakay ng MV Transworld Navigator.