Mahigit 6,000 paaralan nais lumahok sa face-to-face classes – DepEd

Kinumpirma ng Department of Education na marami ang paaralan na nagnanais na makalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Sa katunayan ayon kay DepEd Director Roger Masampol, umabot sa mahigit 6,000 mga paaralan ang nag-apply sa kanila para makasama sa muling pagsasagawa ng in-person classes.

Read More:  Sandiganbayan removes Bonoan from flood control case

Subalit sa kanilang pagsusuri nasa 308 lamang umanong mga eskwelahan ang nakapasa sa requirement na itinakda ng DepEd at DOH.

Kasabay nito nakatakda naman magpalabas ang kagawaran ng edukasyon ng bagong guidelines sa mga pwedeng lumahok sa face-to-face classes.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Sa ilalabas na revised guidelines sinabi ni Masampol na magkakaroon ng preference ang DepEd sa mga batang bakunado pero maaari pa ring lumahok sa face-to-face classes ang batang unvaccinated basta’t papayagan ng kanilang magulang.