Pinoy – isa sa kumpirmadong namatay sa Hajj pilgrimage

Kumpirmado na ang pagkamatay ng isang Pilipina sa Hajj Pilgrimage ngayong taon sa Saudi Arabia dahil sa matinding init.

Isa lamang siya sa halos isang libong mga pilgrims na namatay sa insidente.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. for Migrant Worker Affairs Eduardo de Vega, ang naturang Pilipina ay mula sa Riyadh.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa kabuoan, mayroon umanong humigit-kumulang 1,500 Filipinos ang nakilahok sa Pilgrimage ngayong taon.

Tuluy-tuloy naman ang monitoring nila sa sitwasyon ng ating mga kababayan.

Nagpadala na rin ng team ang DFA sa Saudi Arabia para matiyak ang tulong sa kanila.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Maaalalang ang pagbisita sa Mecca ay isa sa mga mahahalagang pillars ng Islam, at kailangang mapuntahan nang kahit isang beses ng mga kapatid na Muslim.

Ngayong taon – umabot sa nakapapasong 51.8 degrees celsius ang temperatura doon.