Pinaslakas Focused vaccination na tinawag na Barangayang Suyod Bakuna aarangkada na sa susunod na linggo, 25 Barangay sa Camarines Norte susuyurin ng vaccination team

CAMARINES NORTE- Aarangkada na ang “Barangayang Suyod Bakuna” o Pinaslakas Focused vaccination caravan simula sa susunod na linggo.

Sa impormasyon mula kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, magsisimula ito sa Lunes, November 14 hanggang December 16  na layong maabot ang nalalabing target na bilang ng babakunahan sa pagtatapos ng Disyembre 2022 sa Bicol Region.

Limang Barangay ang tutunguhin ng vaccination team sa limang bayan.

Sa Daet gagawin ang Barangayang Suyod Bakuna sa Barangay 4, Gahonon, Dogongan, Alawihao at San Isidro.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ang mga Barangay naman ng Colasi, Hamoraon, Lanot, Mambungalon at Manguisoc ang susuyurin sa bayan ng Mercedes.

Sa Paracale ay ang Gumaos, Bagumbayan, Tugos, Tawig at Palanas.

Habang sa Jose Panganiban naman ay ang Motherlode, San Rafael, Luklukan Sur, Larap at Dahican.

Naka- schedule naman ang mga Barangay ng Baay, Dumagmang, Dalas, Masalong at Pagasa sa bayan ng Labo.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Matatandaan na noong Hulyo 26 nang ilunsad ang  Pinaslakas campaign kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bakunahan ang 90 percent ng Priority Group A2 o senior citizen at makapagbigay naman ng unang booster shot sa 50 percent ng eligible population.

Pero matapos ang unang isangdaang araw ng launching ng Pinaslakas ay bigo ang gobyerno na maabot ang target.