Bilang ng mga sugatan sa paputok, pumalo sa 153

Naitala ng Pilipinas ang 68 karagdagang insidente ng mga tao na sugatan sa paputok, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa 153.

Sinabi ng DOH na 32% na mas mataas ito kumpara as 116 na kaso na naitala noong parehong panahon ng 2020.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Inihayag rin ng ahensya na mula sa 153 kaso, 39% nito o 60 ay nagmula sa Metro Manila.

Nabanggit rin ng DOH na 15 sa mga kaso ay mga blast o burn injuries na nangailangan ng amputation habang nasa 39 naman ang pinsala sa mata.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Samantala, kasama naman sa top five firecrackers ng DOH nitong nakaraang pagdiriwang ng Bagong Taon ay ang kwitis na may 35 kaso, boga na may 15 kaso, luces na may 12 kaso, triangle na may 10 kaso, at 24 na kaso ng hindi pa matukoy na paputok.