CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 4, 852 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Camarines Norte simula noong 2020.
Ito na ang pinakamaraming kaso sa buong panahon ng pandemya na naitala sa loob lang ng mahigit limang buwan ngayong 2023.
Batay sa datos ng Provincial Health Office as of June 5, 2023 huling naitala ang pinakamaraming kaso noong 2021 na umabot sa 3, 019 para sa buong taon.
Noong 2020 sa unang taon ng pandemya nakapagtala ang lalawigan ng 149 kaso habang 1, 470 naman noong 2022.
Umaabot na sa 214 ang naitalang kumpirmadong kaso ng Covid-19 simula Enero hanggang nitong Lunes, Hunyo 5 ng taong kasalukuyan.
Bumaba naman ang bilang ng aktibong kaso na mula sa 96 noong nakatalikod na linggo ay nasa 68 ngayon makaraang gumaling na ang iba sa mga ito.
Mayroon pa ring aktibong kaso ng sakit ang 12 bayan kung saan ang pinakamarami ay sa Daet na nasa 17.
Ang Vinzons ay may 12, Talisay 7, Paracale 7, Capalonga 6, Labo 6, San Lorenzo Ruiz 3, Sta Elena 2, San Vicente 2, Jose Panganiban 2, Basud 2, Mercedes 2.
Patuloy ding nadaragdagan ang bilang ng mga nasawi na umabot na ngayon sa 293 makaraang makapagtala ng 17 simula noong Enero ng taong kasalukuyan.
Umabot naman sa 4, 491 o 92. 56 % ang nakarekober sa sakit.
