CAMARINES NORTE- Napasakamay ng Paracale MPS kasama ang mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group5 at 2nd PMFC PTT ang isang lalaking nakatala bilang Ranked 5 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Paracale, Camarines Norte
Bandang 5:40 ng hapon nitong ika-3 ng Hunyo 2023 nang maaresto ang lalaking suspek sa Integrated Terminal, Purok 1, Barangay Tugos, sa nasambit na bayan.
Agad na isinilbi sa akusadong kinilala sa alyas “Bert,” 18 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Purok Kamagong, Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte ang warrant of arrest para sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Possession of dangerous drugs.
Umaabot ng nasa Php 200,000 ang halaga ng piyansa ang nakaatang sa nasabing kaso para sa pansamantalang kalayaan ng nasambit na arestado.
Samantala, ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.
