Pinakamataas na kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte mula nang tumama ang pandemya naitala noong Sabado

CAMARINES NORTE- Naitala noong Sabado, August 28, ang pinakamataas na kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa loob lang ng isang araw mula nang tumama ang pandemya noong isang taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) 68 kaso ang naitala sa loob lang ng isang araw kaya nahigitan ang bilang ng naitala noong mga nakaraang buwan na ang pinakamarami ay wala pang 50.

Kahapon, araw ng Linggo ay nadagdagan ng 31 bagong kaso ang lalawigan kaya nasa  99 lahat ang naitala nitong weekend.

Dahil dito sumampa na sa 1, 779 ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan.

Sa bilang na ito 438 ang aktibong kaso na kung hindi nagpapagaling sa ospital ay nasa mga Temporary Treatment and Monitoring Facility.

Ang Camarines Norte sa ngayon ang pangatlo sa may pinakamaraming aktibong kaso sa rehiyon.

Nasa 1, 262 naman ang mga gumaling na sa sakit habang 79 na ang nasawi.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, wala pang katibayan sa ngayon para masabing nakapasok na ang mas mabagsik at nakakahawang Delta variant sa lalawigan.

Ito ay nang matanong ng Brigada News FM Daet hinggil sa rason kung bakit naitala ang mataas na kaso ng sakit noong weekend.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Gayunman, inihayag ni Francisco na hindi nila inaalis ang mga ganitong posibilidad.

Aniya, ang mayroon sa ngayon dito sa Camarines Norte ay ang Beta variant na mabilis ding makahawa pero hindi naman kasing basgik ng Delta.

Sa ngayon ay mayroon pang available beds for COVID ang siyam na ospital sa lalawigan pero ilan sa kanila ay malapit na ring mapuno.

Batay sa daily update ng One Hospital Command Center nasa 130 ang inilaang kama para sa COVID, 73 dito ay nagamit habang 57 pa ang available.

Narito ang update sa Health Utilization rate sa Camarines Norte as of august 29,2021 (1700H)

LEON HERNANDEZ

Bed Capacity – 23

Bed Occupied – 18

Bed Available – 5

Oygen

Tanks-144

LABO DISTRICT

Bed Capacity – 8

Bed Occupied- 1

Bed Available- 7

Oxygen: 3 with regulator

ALLEGRE

Bed Capacity – 1

Bed Occupied – 0

Bed Available- 1

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Oxygen: 8small

CNPH

Bed Capacity-46

Bed Occupied-32

Bed Available-14

Available Oxygen – 19

LIZASO

Available Oxygen – 2

Bed Capacity- 6

Bed Occupied- 2

Bed Available- 4

DAET DOCTORS

Bed Capacity- 16

Bed Occupied- 12

Bed Available- 4

Oxygen tanks – 20

SANTISSIMA

Bed Capacity: 12

Bed Occupied: 2

Bed Available: 10

Oxygen tank: 5

OUR LADY OF LOURDES HOSPITAL

Bed Capacity – 11

Bed Occupied – 2

Bed Available – 9

Oxygen – 38

Rovima Hospital

Bed Capacity: 7

Bed Occupied: 4

Bed Available: 3

Oxygen: 10

Total:

Bed Capacity: 130

Bed Occupied: 73

Bed Available: 57

Oxygen Tanks: 249

SOURCE: Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco