Mangyayari sa Biyernes, June 21, ang June solstice o yung “summer solstice.”
Dahil dito, mararanasan ang pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi ng taon.
Sa astronomical event na ito, direktang tataas ang araw sa declination na 23.5°N, at nakaposisyon sa constellation ng Cancer.
Ayon sa PAGASA, sinasabi ng mga astronomers na ang positioning signals na ito ay nagpapakita ng summer sa northern hemisphere at winter naman sa southern hemisphere.
Sa kabila niyan, ang actual duration ng daylight ay iba’t iba pa rin sa iba’t ibang panig ng bansa.