PCG, binigyan ng parangal ang kanilang mga personnel na rumesponde sa mga sundalong Pilipino na kinuyog ng CCG sa WPS

Ginawaran ng pagkilala ng Philippine Coast Guard ang higit pitumpu nilang tauhan na rumesponde at sumagip sa mga sundalong Pilipinong kinuyog ng China Coast Guard sa West Philippine Sea.

Personal na ipinagkaloob ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ang “Distinguished Coast Guard Cross and Ribbon” sa mga tripulante ng BRP Cabra at BRP Bagacay sa Buliluyan Port sa Bataraza, Palawan.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Ginamit ng mga Coast Guard ang mga nasabing 44-meter vessels sa pagsasagawa ng regular na maritime patrol operations upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Nagbibigay din ang PCG ng security assistance sa mga resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.