Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng preventive measures laban sa bird flu, kasunod ng kumpirmadong outbreaks ng avian influenza H5N1 na nakaapekto sa duck at quail farms sa Bulacan, Pampanga, Laguna, at Camarines Sur.
Kaugnay nito, naglabas ang DA ng memorandum circular na tututok sa galaw ng pato, pugo, manok, at iba pang poultry commodities sa mga apektadong lugar, lalo na ang mula sa 1-kilometer quarantine zone.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang avian influenza virus na nadetect ay subtype H5N1, na banta rin sa kalusugan ng mga tao.

Ito umano ang dahilan na kailangan doblehin ang kanilang hakbang sa pagkontrol at pagpigil sa bird flu, at maisasakatupran umano ito sa pamamagitan ng pagtutulungan, lalo na ang mga nasa poultry production. //MHEL PACIA-TRINIDAD