Pinakahuling aksyon ng CCG sa Ayungin shoal, tinawag na most agressive at most condemning ng PCG

Tinawag na most agressive at most condemning ng Philippine Coast Guard ang pinakahuling aksyon ng China Coast Guard sa resupply mission ng bansa sa Ayungin shoal.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ito’y base na rin sa naging karanasan ng kanilang mga tauhan at karanasan ng mga sundalo na nagsagawa ng naturang misyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maalalang una ng sinabi ni Tarriela na umabot ng halos 12 oras ang isinagawang medical evacuation at pag retrieved ng mga binutas na rigid hull inflatbale boat ng mga sundalo dahil sa dangerous manuevers at harassment na naranasan ng kanilang mga barko mula sa CCG.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño