Iniulat ng Department of Agriculture o DA na lagpas na sa syam na bilyon ang halaga ng tulong na naipapamahagi ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni DA Asec. Arnel de Mesa na kabilang dito ang mga ipinamamahaging cash assistance ni Pangulong Bongbong Marcos.
Anya, umaabot nasa lagpas 700 million pesos na ang naibigay sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisher folks o PAFF, kung saan nakakatanggap ng tig-sampung libong pisong ayuda ang mga benepisyaryo.
Nabatid na tuloy-tuloy ang paglilibot ni Pangulong Marcos sa mga lugar na lubhang naaapektuhan ng tagtuyot.
Ilan sa mga rehiyon na napuntahan na ng Pangulo ay ang Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Davao, Bicol, Cagayan Valley, at Caraga.