LEGAZPI CITY – Dumating na kahapon ang isa sa pinakabagong firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Polangui. Pinangunahan ang ginawang turn over ceremony ng bagong Fireturck ni FINSP Joeres Rey Oyardo, Alkalde Andy A. Mariscotes at Vice Mayor Restituto Buboy Fernandez at iba pang opisyal ng Gobyerno.
Ang Fire fighting truck ay makakatulong at pagsisiguro ng kaligtasan ng mga Polangueño at maging ng mga karatig na bayan lalo na ngayong papalapit na ang tag-init kung saan nagkakaroon ng mga kaso ng sunog sa bansa.
Matagal tagal rin umano na naghihintay na mabigyan ng bagong kagamitan para sa pag-apula ng sunog sa mga barangay.
Dagdag pa nito, ang mga bagong katangian ngayon ng isang Fireturck ng BFP ay mayroong ngayon na * 1000 Gallons Water Capacity * Air Conditioned * Fire Fighting Foam Technology * High Pressure Pumps at marami pang iba.
Sinigurado rin ng Alkalde na hindi ito ang huling pagkakataon na magkakaroon ang bayan ng mga kagayang makabagong mga instrumento dahil tuloy-tuloy ang pagsisikap na mapaunlad ang bayan.