Muling nakakuha ng pagkilala ang matagal nang pinagkakatiwalaang Power Cells Herbal Capsule ng Brigada Group of Companies.
Ngayong araw, pinarangalan ang Power Cells Herbal Capsule at nakakuha ng ‘Seal of Product Quality’.
Ang mga nakatatanggap ng ganitong uri ng pagkilala ay ang mga produktong subok na’t tiyak na mapagkakatiwalaan ng taumbayan.
Nagpaslamat naman ang Brand Manager ng Power Cells Herbal Capsule na si Jumel de Leon sa patuloy na pagsuporta’t pagtangkilik ng ating mga KaBrigada.
‘In The Heart of Changing Lives’ – patuloy na sisikapin ng Brigada Group of Companies na maghatid ng mga dekalidad, epektibo, at abot-kayang mga produkto para sa bawa’t isang mga Pilipino.
Power Cells Herbal Capsule na ‘kasangga’ ng bawat sandigan ng tahanan.
Kung maaalala – hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng pagkilala ang pinagkakatiwalaan at epektibong Power Cells Herbal Capsule.
Nito lamang nakaraang taon nang tanghalin bilang Best Leading Dietary Food Supplement Brand ang Power Cells Herbal Capsule kung saan nakatanggap ito ng Golden Globe Annual Awards for Business Excellence (GGAABE).
Samantala, kinilala rin noong nakaraang taon ang Brigada Healthline Corporation bilang Best Leading Distributor Corporation.