Bilang ng naitalang election related incidents sa katatapos na BSKE, halos 300 na

Tumaas pa ang bilang ng mga naitalang election-related incidents sa bansa sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong October 30.

Ayon sa Philippine National Police, umakyat pa sa 297 ang bilang ng election related incidents kung saan 77 rito ay validated election-related incidents, 44 ang suspected ERI at 176 ang non ERI.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Mula sa nabanggit na bilang, labing siyam ang naitalang namatay at animnapu’t anim naman ang injured.

Ang tatlong rehiyon na may iniulat na may pinakamataas na validated ERI ay ang sa Bangsamoro Autonomous Region sa 39, Region 10-13 at Cordillera 5.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Sa implementasyon naman ng gun ban, mayroon nang kabuuang 2, 175 ang mga naarestong indibidwal.

Nasa 1, 659 ang mga confiscated firearms, 2, 407 ang mga idineposito para sa safekeeping at 1, 765 ang isinuko.

Ang pagpapatupad ng nationwide gun ban ay nagsimula noong August 28 hanggang November 29, 2023.