Pimentel: SC decision sa BSKE- patunay lang na walang batayan ang postponement

Wi-nelcome ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang ginawang pagpo-postpone sa barangay at sangguniang kabataan elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pimentel na noon pa man ay wala na talagang dahilan para ipagpaliban ang halalan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Aniya, ang naging SC decision ay nagva-validate lamang dito.

Dahil wala raw sapat na dahilan, malinaw lamang na naa-undermine ang constitutional rights ng isang Pilipino para makaboto, at pinahihina ang pundasyon ng demokrasya.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Mula nang ma-postpone ang BSK polls – nawalan daw ng pagkakataon ang mga ‘capable Filipino youth’ na mapangunahan ang kani-knailang sektor sa pamamagitan ng mga SK.