Naniniwala si Senador Chiz Escudero na si Pangulong Bongbong Marcos lang ang makapagsasabi kung nararapat ba si Larry Gadon sa Gabinete.
Aniya, discretion naman na raw ng Pangulo ang paga-appoint nito ng mga tao.
Naniniwala si Escudero na si Marcos din naman ang may responsibilidad at accountability sa kaniyang mga appointees.
Kinalampag naman ni Senadora Risa Hontiveros si Marcos na i-reconsider ang pag-appoint kay Gadon.
Inilarawan ni Hontiveros na isang ‘disgraced former attorney’ si Gadon at hindi raw nagi-inspire ng confidence sa Gabinete.
Sabi ng Senadora – walang ano mang expertise si Gadon na makapagja-justify sa kaniyang appointment.
Malinaw daw itong demoralization sa burokrasya lalo na’t ini-incentivize ang isang opisyal na mismong ang Korte nga ay walang tiwala sa kanya.
