Pimentel, dismayado sa pagbabalik sa P150-M CIF para sa  DepEd

Dismayado si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III matapos na ibalik ng Bicameral Conference Committee ang P150 million confidential at intelligence funds (CIFs) ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Pimentel, kailangan niya na makuha ang marami pang detalye kaugnay sa bicam report.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Batay kay House appropriations panel chairman at Ako Bicol Representative Zaldy Co, na ibinalik ng bicameral panel ang P150 million CIFs para mapigilan ang mga estudyante na ma-recruit ng mga masamang grupo.

Una nang nagpahayag ng pagtutol ang minority lawmakers sa pagbibigay ng P150-million CIF sa DepEd, dahil naniniwala sila na ang intelligence gathering ay mandato para sa mga intel agencies.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Una nito, nirealign ng Senado ang P120 million na CIF ng DepEd para sa maintenance and other operating expenses, pero sa Kamara, ay hindi ginalaw ang CIF ng naturang ahensya. //MHEL PACIA