Nilinaw ni dating Health Secretary Francisco Duque III na siya ang humiling ng special audit at nagbigay pa umano siya ng mga kaukulang dokumento sa Commission on Audit (COA) bilang required ng multilateral banks na nagpahiram ng $2 billion sa gobyerno para sa kanilang COVID-19 vaccination program.
Sa gitna nito, sinalag ni Duque ang pahayag ng bagong Commission on Audit (COA) Chair Gamaliel Cordoba na nagsabing binawi ng dating health chief ang mga dokumento para sa vaccine procurement deals, dahil umano sa nondisclosure agreements (NDAs) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ng vaccine manufacturers.
Kaugnay nito, nagtataka rin si Duque, kung bakit ang kanyang successor na si DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire ay nagleave out, sa kabila ng katotohanan na ang request para sa audit ay ginawa sa panahon ng kanyang termino.

Ayon dito, na sa panahon ng kanyang pamumuno sa DOH, ang liham ay nilagdaan ni Undersecretary Mario Villaverde, na humihiling sa COA para simulan ang audit sa tatlong loan programs na inaprubahan ng World Bank at ng Asian Development Bank (ADB).
Umaasa naman si Duque na maitatama na ang maling pahayag at matatapos na ang unfair portrayal umano sa kanya na umano’y tumangging magsumite ng vaccine procurement sa COA para sa audit. //MHEL PACIA