Ph, binawasan ang economic growth outlook para sa 2023

Ibinaba ng economic cluster ng gobyerno ang kanilang growth outlook para sa papasok na taon, dahil sa external headwinds gaya ng slowdown sa major advanced economies.

Ayon kay DBCC chairperson at Budget Secretary Amenah Pangandaman, inaasahan ngayon ng inter-agency body ang economic growth na 6.0% hanggang 7.0% para sa 2023, na mas mababa mula sa naunang projection na 6.5% sa 8.0%.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Nanindigan naman ang DBCC sa kanilang forecast range na 6.5% hanggang 7.5% para ngayong 2022, kung saan naitala ang third-quarter growth sa 7.6%, na mas mabilis kumpara sa upwardly adjusted na 7.5% noong nakaraang quarter.

Samantala, kabnilang sa external headwinds na ikinokonsidera ay ang inaasahang global economic slowdown, at ang bagong lockdowns sa China dahil sa muling pagtaas sa mga kaso ng COVID-19.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa usapin naman umano ng peso-dollar exchange rate, inaasahan ng mga economic managers na pupuwesto ito sa average na P54 hanggang P55:$1 ngayong taon, sa kabila ng pagtama sa all-time lows nitong unang bahagi ng taon. //MHEL PACIA