5 kalalakihan, kulong dahil sa sabong

Kulong ngayon ang limang (5) kalalakihan matapos mahuli sa akto habang isinasagawa ang sabong ng manok sa Purok Narra Brgy. Sicsican, Puerto Princesa City nitong araw ng Linggo, ika-15 ng Enero 2023.

Sa mabilis na operasyon ng Police Station 2, hindi na nakatakbo pa ang mga nahuli sa lugar habang nagtutupada.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kinilala ang mga nahuli na sina Reymart Basilio y Samsona, 28 anyos, Archie Gargoles y Jacolbe, 27 anyos, Reynante Manga y Castro, 48 anyos, Jefferson Charles Seriosa y Delpino, 25 anyos at si Masari Omar y Alimata, 30 anyos.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng tupada ang mga ebidensya tulad ng dalawang buhay na tandang na may tari, dalawang bihag na tandang at mga pera.

Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree Number 1602 (Illegal Cockfighting) ang mga nahuli.