Iginiit ni former Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na dapat bigyan ng Persons with Disability (PWD) ID ang mga taong may sakit na HIV-AIDS.
Ayon sa P3PWD Party-list representative, magsusumite umano siya ng 10 priority bills bago o pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Magbabase umano ang gagawin niyang batas sa konsultasyon mula sa mga PWDs maging sa mga advocates nito.
Samantala, iginiit ni Guanzon na may mga local government units (LGUs) na hindi umano nag-iissue ng PWD ID bilang benepisyo ng naturang sektor. (ARGIE ERGINA)