Binigyan ng pagkakataon ng Sandiganbayan ang pamilya ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dipensahan ang umanoy ill-gotten wealth case.
Ito’y kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanila noong 1987 kung saan inakusahan ang mag-asawang si Rebecco at Erlinda Panlilio na kasabwat umano ni dating President Ferdinand Marcos at asawa nitong si Imelda Marcos sa pagpapatakbo ng ilang mga ari-arian.

Kabilang dito ang Ternate Development Corporation, Monte Sol Development Corporation, Olas del Mar Development Corporation, Fantasia Filipina Resort Incorporated, Sulo Dobbs Incorporated, Philippine Village Incorporated, Silahis International Hotel at Hotel Properties Incorporated.
Samantala, sinabi ng Sandiganbayan na dapat umanong bigyan ng chance ang pamilya ni Marcos na dinggin ang naturang kaso upang makapit ang hustisya. (ARGIE ERGINA)