Lisa ng Blackpink, ilalabas na ang bagong single na “Rockstar”

Kinumpirma ni Lisa ng Blackpink na ilalabas niya na ang bagong single na “Rockstar” sa darating na Hunyo 27.

Sinimulan niyang magpahiwatig sa kanyang bagong kanta sa pamamagitan ng TikTok, kung saan siya’y nakapagtala ng Guinness World Record sa pagkuha ng isang milyong followers sa loob lang ng dalawang oras at 18 minuto.

Read More:  Sachzna Laparan breaks silence on ‘Miss Flawless’ controversy; Angelica Jones calls for apology

Ito ang unang release ni LISA matapos pumirma sa RCA Records, kasunduan sa kanyang LOUD company na nagpapahintulot sa kanya na panatilihin ang pagmamay-ari ng kanyang master recordings.

Dati niya ng inilabas ang “Lalisa” at “Money” sa YG Entertainment at Interscope Records, kung saan ang “Money” ay umabot ng isang bilyong streams sa Spotify noong 2023.

Read More:  Gee Canlas breaks silence on alleged physical abuse by Archie Alemania

Super excited siya na maging bahagi ng RCA family at kumpiyansa siya na sila ang pinakamahusay na team para sa kaniyang solo career. (Brigada News Intern – Mikaela De Leon)