Pilipinas, target na buksan ang lahat ng borders ng bansa para sa lahat ng dayuhang turista

Target ng Pilipinas ang posibleng pagbubukas ng borders nito para sa lahat ng dayuhang turista pagsapit ng Abril.

Sa kasalukuyan, ang mga dayuhan lamang mula sa visa-free countries ang tinatanggap sa Pilipinas.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, umaasa ang Department of Tourism na aaprubahan ng gobyerno ang kanilang proposal na tanggapin ang mga dayuhang turista mula sa lahat ng bansa sa susunod na buwan.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Iginiit ni Puyat na maganda ang takbo ng turismo ngayon na dahilan kung bakit nila nais mabuksan ang borders para sa lahat ng bansa sa Abril.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Matatandaan na sinimulan ng Pilipinas ang pagtanggap ng mga turista mula sa 157 visa-free countries noong nakaraang buwan.

Mula February 10 hanggang March 8 ay winelcome na ng bansa ang 73,178 na tourist arrivals.