Pilipinas, sinuspinde ang deployment ng mga OFWs sa India

Sinuspinde ng gobyerno ang deployment ng mga overseas Filipino workers sa India dahil sa kabiguan na matugunan ang criteria na maituring bilang “compliant” destination country batay sa impormasyong natanggap ng POEA mula sa Philippine Embassy sa New Delhi.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kinumpirma ni POEA officer-in-charge Bernard Olalia na nagkabisa ang deployment ban noong December 5.

Ipinaliwanag niya na nabigo ang bansa na matugunan ang tatlong kundisyon na kailangan para makakuha ng pag-apruba ng Department of Foreign Affairs.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Idinagdag ni Olalia na kailangang magkaroon ng bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at India para mabigyang-daan ang deployment.

Batay sa datos ng POEA, mayroong 2,000 documented Filipino migrants sa India.
#