Dapat na makipagsabayan ang Pilipinas sa mga economic neighbors nito pagdating sa digitalization ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa Telco summit, sinabi ni Marcos na ang buong Asian region ay malapit nang manguna sa global economy. Kailangan umanong makipag kumpetensiya ng Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa ASEAN at sa APEC.
Hinikayat rin ng Pangulo ang mga telco players, mga ahensya ng gobyerno at ang mga katuwang na pribadong sektor na tiyakin maipapatupad ng mahusay ang paghahatid ng mga serbisyo sa publiko.
Ang Anti-Red Tape Authority o ARTA ang nangungunang ahensya para sa Telco Summit 2022 ay attached agency sa ilalim ng Office of the President na may mandatong ipatupad ang Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 .
Ang summit, na pinamagatang “Open Data. Open Innovation. One Nation.”, alinsunod sa direktiba ni Marcos na pahusayin ang digital infrastructure at connectivity ng bansa.
#
