Pilipinas, patuloy ang pakikipagusap sa Israel at kalapit bansa para sa pagpapauwi ng mga Pinoy sa Gaza

Muling tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na gumagawa ng paraan ang pamahalaan para maiuwi na ang mga Pinoy na nasa Gaza.

Ayon sa Pangulo, patuloy ang pakikipag usap nila sa Israel at Egypt na buksan ang kanilang boarder para sa mga Filipino repatriates.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sa ngayon nag aantay na ang embahada ng Pilipinas sa Egypt sa positibong tugon sa hinihiling na humanitarian corridor, para masimulan ang repatriation efforts.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na naka handa ang pamahalaan sa repatriation, inaantay lang na magbukas ang boarder.

Sa tala nasa lagpas isangdaan ang Filipino national na nasa Gaza.