Investment approval at registration ng Marcos admin, tumaas ng higit 100%

Inihayag ng Department of Trade and Industry o DTI na tumaas ang investment approval at registration ngayong taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo na nasa 734 billion pesos ang kabuuang investment approval mula January hanggang September 2023, mas mataas sa 362 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2022, o katumbas ng 102% increase.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa naturang datos, 60% dito o 427 billion pesos ang foreign investment.

Nangunguna ang Germany sa mga bansang may pinaka malaking investment sa Pilipinas, na sinundan ng Japan at South Korea.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Naniniwala ang DTI na malaking kontribusyon sa pagtaas ng pamumuhanan sa bansa ang mga foreign trips ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ani Rodolfo metikuluso ang Pangulo sa pagtiyak na nagbubunga ang kanyang mga Presidential visit.

Samantala nasa 4 pa ang nakalinyang foreign trips ng Pangulo bago matapos ang 2023.