Patuloy ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat na makipagtulungan upang maka-alpas ang bansa sa nararanasang pandemya.
Sa kanyang talumpati kasabay ng pagdating ng Sputnik V vaccine sa Villamor Airbase, sinabi ng Pangulo na unti-unti nang nananalo ang Pilipinas sa laban nito kontra COVID-19.

Sa kabila nito dapat pa rin umanong panatilihin ng mga Pilipino na maging ligtas at nasa maayos na kalusugan.
Hindi umano kakayanin ng gobyerno ang hamon ng pandemic kung hindi makikiisa ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagsunod sa mga health protocols.
Samantala, pinasamalatan naman ni Pangulong Duterte ang Russian Government sa donasyon nitong mahigit dalawang milyong doses ng bakuna.