Pilipinas nakapagtala ng 7,731 na bagong kaso ng COVID-19, 134 ang nasawi

Nakapagtala ng 7,731 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Pilipinas noong nakaraang linggo.

Ayon sa pinakahuling bulletin ng DOH, mula November 28 hanggang December 4, may average na 1,104 na araw-araw na impeksyon ang naitala sa bansa na mas mababa ng 4 na porsyento kumpara sa nakaraang linggo.

Sa mga bagong impeksyon , 2 o 0.03 porsyento ang severe at critical.

Noong Linggo, 595 o 9.1 percent ng COVID-19 admissions ay nasa malubha at kritikal na kondisyon.

Hindi bababa sa 534 o 22.1 percent ng 2,430 intensive care unit beds para sa mga pasyente ng COVID-19 ang na-occupy. Ang non-ICU bed utilization rate ay nasa 25.3 porsyento.//CA