PCG, magpapatupad ng ‘heightened alert’ para sa Christmas season

Magpapatupad ng hightened alert ang nasa 25,000-strong Philippine Coast Guard (PCG) para matiyak ang payapa at seguridad sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ayon kay PCG Commandant Adm. Artemio Abu, na ngayon magpa-Pasko, ay sobrang abala na ang mga kababayan sa pagbiyahe gamit ang sea transportation system.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sa ilalim ng heightened alert status, aatasan ang PCG na makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno para matiyak ang seguridad at kaligtasan sa lahat ng mga ports, harbors, at iba pang areas kung saan dagsa ang mga pasahero ngayong Christmas break.

Inaasahan ding magsasagawa ang PCG ng heightened vessel inspections, i-augment ang mga port personnel sa pag-manage sa mga pasahero at maritime traffic, at magtatalaga ng help desks sa iba’t-ibang seaport terminals.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Maliban dito, nagsasagawa rin sila ng foot patrols at maghahanda ng deployable response groups (DRGs) at contingency plans para sa maritime incident at emergencies at iba pa. //MHEL PACIA