Kinwestiyon ni dating Senador Bam Aquino ang timing ng paglikha ng Sovereign Wealth Fund.
Sa pahayag , sinabi ni Aquino na noong 2016 ay naghain siya ng batas para sa SWF dahil pangkaraniwan na umano ang pagkakaroon nito sa buong mundo bilang long term na paraan upang palawigin ang yaman ng isang bansa.
Ayon sa dating senador, malaki ang pagkakaiba ng inihain niyang batas noong 2016 at ngayong taon dahil ibang-iba ang ekonomiya noon.
Sinabi niya na noong panahon na iyon ay mataas ang economic-growth, mababa ang utang ng gobyerno at mababa rin ang inflation.

Kung ikukumpara naman umano ngayon ay bumagal ang ekonomiya dahil sa pandemya at mataas ang presyo ng mga bilihin.
Iginiit pa nito na may pagkakataon ang Senadro na baguhin ang ilang nakikitang problemadong probisyon ng isinusulong na batas at maglagay ng safeguard sa korapsyon at tiyaking pabor ito sa nakararaming Pilipino.//CA