Pilipinas, nakakuha ng 170,000 sako ng palay

Nakapag-procure ang National Food Authority ng 170,000 sako ng palay kasunod ng pagpapatupad ng mas mataas na presyo ng bigas sa buong bansa.

Katumbas nito ang nasa 8,000 metric tons.

Ayon kay NFA Officer-in-Charge Administrator Larry Lacson, kailangan pa munang maghintay para sa second harvest para sa nalalapit na wet season upang maabot ang 300,000 MT traget volume.

Sa harap nito, mayroon pa aniya silang mapagkukunan para sa wet season na higit-kumulang 70% ng kabuoang produksyon kada-taon.

Sa huli, pinatitiyak ng opisyal sa mga local managers ang sapat na drying facilities kasabay ng paghahanda sa epekto naman ng La Niña.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *