Nasa 100 na mga bangka, sasali sa ika-2 West PH Sea civilian mission

Makikiisa ang nasa 100 mga bangka sa second civilian mission sa West Philippines Sea (WPS) na isasagawa sa May 15.

Ayon sa Atin Ito Coalition, layunin ng naturang pagsasanay na magsagawa ng “peace and solidarity regatta,” at makapag-install ng markers sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sasali sa misyon ang dalawang main civilian boats na eeskortan ng 100 maliliit na fishing vessels na nakatakdang maglayag sa Zambales.

Maliban dito, pinaplano rin ng Atin Ito na magdala ng essential supplies gaya ng langis sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Mababatid na ang Bajo de Masinloc ay isa sa mga lugar kung saan nagkakaroon ng tensyon ang Pilipinas at China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *