PBBM, hinimok ang mga taga-BARMM na gamitin ang karapatan sa pag boto

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga taga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na gamitin ang kanilang karapatan sa pag boto para sa nalalapit na kauna-unahang BARRM election sa 2025.

Sa kanyang talumpati sa Commemoration Ceremony ng ika-sampung taong anibersaryo ng signing ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, hinamon sila ni Pangulong Marcos na pangalagaan ang naturang karapatan at makilahok sa pagpapaunlad ng bansa.

Umaasa rin ang Pangulo na ang bawat kandidatong tatakbo ay tangan ang prinsipyo na ang Bangsamoro muna bago ang sarili at titindiig sa adhikaing Better BangsaMoro.

At bilang Presidente ng bansa tinitiyak ni Pangulong Marcos sa mga taga BARMM na magkakaroon sila ng tapat, maayos at credible na eleksyon.

Babala pa nito sa mga nagbabalak na guluhin ang eleksyon na ang makakalaban nila ay ang pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *