Pilipinas, nakabantay sa mga Pilipino sa Taiwan sa gitna ng Beijing-Washington tension

Tiniyak ng Gobyerno ng Pilipinas na mahigpit pa rin nitong binabantayan ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Taiwan.

Ito nga ay matapos magdulot ng tensyon sa Washington at sa Beijing ang pagbisita sa Taiwan ni US House Speaker Nancy Pelosi sa kabila ng mahigpit na babala ng China kontra rito.

Sa isang panayam, sinabi ni Manila Economic and Cultural Office o MECO chairperson Silvestre Bello, oras-oras daw silang nagre-report kay Executive Secretary Vic Rodriguez hinggil sa mga latest na galaw sa naturang pagbisita ng US official sa Taiwan.

Mayroon umanong monitoring din na nakatutok para mabantayan ang sitwasyon ng nasa 200,000 mga Pilipino doon.

Sakali man aniyang lumalim pa ang tensyon, mayroong mga evacuation centers sa Taiwan at inihahanda na rin ng Gobyerno ang evacuation plan.

Sa kabila nito, umaasa si Bello na hindi na raw sana lumala pa ang tensyon sa China at Amerika lalo na’t naniniwala raw itong hindi sila magsusugal ng buhay nang nag-ugat lamang sa maliit na isyu.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

China, umaasang kikilalanin pa rin ng Pilipinas ang ‘one-China policy’

Umapela ang Chinese top diplomat sa Gobyerno ng Pilipinas na kilalanin pa rin daw sana nito ang ‘one-China’ policy sa gitna nga ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan at ang posibilidad na dumaan din ito sa ating bansa.

Sa inisyal kasi na ulat, maliban sa Taiwan ay daraan din ang six-member delegation ni Pelosi at iba pang miyembro ng US congress sa Singapore, Malaysia, South Korea at sa Japan – kung saan ay posible rin itong mag-stop over sa Pampanga mula sa Malaysia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ang ‘one-China’ principle ay isa rin sa mga pundasyon ng matibay na relasyon ng China at ng Pilipinas.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Umaasa umano ang Beijing na iha-handle ng Pilipians ang mga ‘Taiwan-related issues’ nang maayos at hindi aapak sa sa China-Philipines relations.

Sa huli, muling binatikos ng envoy ang hakbang ni Pelosi at sinabing mapipilitan ang China na gumawa ng mga paraan at hakbang para maprotektahan ang kanilang territorial integrity.

Malacañang, dumistansya

Hindi na muna nagkumento ang Palasyo hinggil sa isyu ng Amerika at ng China.

Ito ay sa gitna ng namumuong tensyon sa pagitan ng Beijing at ng Washington matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nag-iingat sila hinggil sa mga usapin ng international relations.

Aniya, ipauubaya na nila sa Department of Foreign Affairs ang paglalaas ng mga opisyal na pahayag para maiwasan ang mga ‘loose words’.

#