Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang personal physicihan na si Dr. Samuel Zacate bilang hepe ng Food and Drug Administration.
Ayon kay Press Secretary Cruz-Angeles, ’eminently qualified’ ang personal na doktor ni Marcos para pamunuan ang FDA.
Bago ang kanyang appointment, si Zacate ay dati nang medical consultant sa iba’t ibang tanggapan ng Gobyerno, isang diplomate sa Philippine Society for Venereology at isang fellow sa International College of Surgeons.
Samantala, pinangalanan din ang iba pang mga retiradong heneral sa iba’t ibang puwesto.
Kabilang na rito si ret. Brig. Gen. Roman ‘Popong’ Felix bilang kalihim ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.
Sa ilalim ng OPAMA, itinalaga rin sina ret. Gen. Isagani Nerez bilang Undersecretary for Police Affairs; at ret. Maj. Gen. Ariel Caculitn bilang Undersecretary for Military Affairs.
#